Inanunsiyo ng Light Rail Manila Corp. (LRMC), ang private operator ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) ang implementasyon ng special operating hours sa Christmas Eve at New Year’s Eve bilang paggunita sa nalalapit na holidays.
Sa advisory, inihayag ng LRT-1 operator na sa Disyembre 24, Christmas Eve ang huling train service sa Baclaran station ay alas-8 ng gabi.
Habang ang huling tren mula sa kamakailang muling binuksang Roosevelt Station ay aalis ng 8:15 p.m.
Samantala, noong Disyembre 31, 2022, sinabi ng Light Rail Manila Corp. (LRMC) na ang huling serbisyo ng tren mula Baclaran Station ay alas-7 ng gabi at mula sa Roosevelt Station, 7:15 p.m.
Ang unang biyahe sa nasabing mga petsa ay aalis pa rin sa magkabilang dulo ng linya ng tren sa ganap na 4:30 a.m.
Sinabi ng operator ng Light Rail Transit Line 1 na magpapatuloy ito sa pagsisilbi sa mga pasahero sa Araw ng Pasko, Disyembre 25, 2022; Araw ni Rizal, Disyembre 30, 2022; at Araw ng Bagong Taon, Enero 1, 2023.