-- Advertisements --

ILOILO CITY – Inaabangan na ang paligsahan ng mga lighted na paraw o bangka sa Iloilo – Guimaras Paraw Regatta Festival 2023, ang binansagang ‘Biggest Sailing Festival’ sa buong Pilipinas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mr. John Lex Espinosa Bayombong, Chairman ng Paraw Regatta Festival sa ilalim ng Iloilo Festivals Foundation Incorporated, sinabi nito na sa finale ng kaganapan, matutunghayan ang mga bangka na may iba’t-ibang pailaw.

Isa anya ito sa mga bagong atraksyon sa mga manonood ng event.

Ayon kay Bayombong, kabilang rin sa mga aabangan na aktibidad ay ang paraw sailboat competition, lighted paraws, at sinamba sa regatta.

Maliban dito, aabangan rin ang Best Tasting Lechon kung saan pasarapan ng liver sauce at presentation.