-- Advertisements --

ILOILO CITY- Naging makulay at naghatid ng kasiyahan ang isinagawang lighting of belen and concert at the park sa lungsod ng Iloilo.

Ang nasabing aktibidad ay tinawag ng Kasanag sang paskwa o Liwanag ng Pasko at proyekto ng University of San Agustin in partnership with Zonta CLub of Iloilo City Inc.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Rev. Fr. Frederick c. Comendador,OSA,presidente ng University of San Agustin,sinabi nito na layunin ng proyekto na maghatid ng mensahe ng pag-asa at maipaabot ang diwa ng pasko sa lahat sa gitna ng kinakaharap na kalamidad dahil sa bagyo Odette at krisis dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Fr. Comendador, mahalagang maunawaan ng mga tao na ang pasko ay ang pagdiriwang ng kapanganakan ni Hesukristo na ating tagapagligtas at hindi niya tayo papabayabayaan ano mang sakuna ang dumating sa atin.

Natunghayan sa nasabing aktibidad ang ibat-ibang awiting pamasko na nagbigay ng saya sa mga nanood sa aktibidad na ginanap sa Esplanade 4 nitong lungsod.