-- Advertisements --

Wala pang kumpirmasyon ang kampo ni Sen. Manny Pacquiao sa kumalat na balita sa mga social media na ang sunod niyang makakalaban ngayong taon ay ang 22-anyos na si WBC interim lightweight champion Ryan Garcia.

Mismong si Garcia kasi ang nag-anunsiyo sa kanyang Instagram account ang kanyang next fight.

pac 1

Si Garcia na maraming mga follower sa social media ay nagsabing, “dream come true” ang laban sa Pinoy ring icon at labis ang kanyang paggalang sa mga nagawa ni Pacquiao sa loob ng ring.

Ang American boxer na si Garcia na nagmula sa Golden Boy Promotions ay wala pang talo pero 21 pa lamang ang laban nito.

Habang ang legend na si Pacman ay meron ng 62 wins.

Dahil dito, ilang mga fans tuloy ang pumuna sa pagiging ambisyoso umano ni Garcia, na liban sa 20 taon ang kanilang agwat na edad, baka lamang daw lamunin siya ng beteranong si Pacquiao.