-- Advertisements --

Ligtas at walang nakitang pinsala sa mga paaralang gagamitin bilang polling centers sa 2019 midterm elections, sa kabila ng malakas na lindol noong mga nakalipas na araw.

Partikular na naapektuhan ang Central Luzon, Metro Manila at Eastern Visayas.

Sa naging anunsyo ni Education Usec. Tonisito Umali, sinabi nitong nasa maayos na kalagayan ang mga pampublikong paaralan na nakalaan para sa halalan.

Magugunitang agad iniutos kamakailan ni Secretary Leonor Briones ang inspeksyon sa mga gusaling sakop ng DepEd upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro at maging ang iba pang gagamit ng silid, kagaya ng mga botante.

Maliban dito, may direktiba na rin ang kalihim kung sakaling may panibagong mga kalamidad na maitatala na makakaapekto sa mga pasilidad ng paaralan.