Na diskubre sa Vienna City, Austria ang isang sulat kamay na liham na pagmamay-ari umano ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal.
Natuklasan na ang naturang liham ay ipinadala ni Rizal sa Austrian Journalist na si Johannes Nordmann noong taong 1887.
Ang limang-pahinang liham ay nagbibigay ng mga detalye tungkol sa mga paglalakbay ni Rizal sa Europa matapos mailathala ang kanyang nobelang ‘Noli Me Tangere.’
Nababatid na kaya nadiskubre ang liham ni Rizal ay dahil isinapubliko ito sa lecture ni Dr. Johann Stockinger, isang Austrian cultural anthropologist at vice president ng Austro-Philippine Society.
Natuklasan ni Stockinger ang natatanging dokumento noong Setyembre nang taong 2023 habang nagsasagawa siya ng pananaliksik sa mga makasaysayang liham na ipinadala kay Nordmann.
Ayon pa kay Stockinger, naglakbay si Rizal mula Berlin hanggang Vienna batay sa kanyang mga liham kay Blumentritt. Habang binanggit niya ang ilang mga record na may maling pagsasalin na mahirap tukuyin ang pinagmulan.
Samantala, pinahayag naman ni Philippine Ambassador to Austria Evangelina Lourdes Bernas ang kanyang pasasalamat kay Stockinger para sa natatanging pagtuklas nito sa parte ng kasaysayan ng Pilipinas.