-- Advertisements --
Mariah x Lil Nas
Mariah and Lil Nas/ Twitter post

Pinuri ni Mariah Carey ang rapper na si Lil Nas matapos na maagaw niya ang longest-running number 1 song sa Billboard Hot 100 Chart.

Nahigitan kasi ng kantag “Old Town Road” ng 20-anyos na rapper ang kanta ni Carey na “One Sweet Day”.

Nananatili kasi sa number spot ang kanta ni Nas sa loob ng 17 linggo habang ang kanta ni Carey na kasama ang Boyz II Men na sumikat noong 1996 ay nanatili sa number 1 spot ng Billboard sa loob ng 16 weeks.

Sa kaniyang Twitter ay pinuri ng beteranang singer ang rapper.

Labis naman ang pasalamat ni Nas sa ginawang pagpuri sa kaniya ni Carey.