Umatras na para maglaro sa Team USA sina Portland Trailblazers guard Damian Lilard at San Antonio guard DeMar DeRozan.
Sila na ang pang pito at pang-walong manlalaro na nag-withdraw para makapaglaro sa FIBA World Cup.
May average ang 29-anyos na si Lilard na 25.8 points, career high na 6.9 assists at 4.6 rebounds kada laro.
Habang ang 29-anyos din na si DeRozan ay mayroong average na 21.2 points at 6.2 assists at 6.0 rebounds sa unang season sa Spurs 2018-2019.
Nauna ng umatras sina Philadelphia forward Tobias Harris, Washington Wizards guard Bradley Beal, Los Angeles Lakers forward Anthony Davis, Portland guard CJ McCollum at Houston Rockets guards James Harden at Eric Gordon.
Hindi naman nababahala dito si Team USA managing director Jerry Colangelo sa pagkawala ng ilang mga high profile players.
Dagdag pa nito na marami pang mga manlalaro ang nakaantabay para sa nasabing koponan.
Magsisimula ang training camp nila sa Agosto 5 sa Las Vegas at ang final 12 na manlalaro ay iaanunsiyo sa Agosto 17.
Isasagawa ang torneo mula Agosto 31 hanggang Setyembre 15 na unang makakaharap ng team USA ay ang Czech Republic sa Setyembre 1.