Naduplika ni Damian Lillard ang kanyang career-high na 61 points upang mamayani sa tagumpay ng Portland Trail Blazers kontra sa Dallas Mavericks, 134-131.
Gumawa rin si Lillard ng siyam na 3-points sa kanyang ikaanim na 50-point game ngayong season.
Siya rin ang ika-12 player sa kasaysayan ng NBA na nakaiskor ng 50 puntos sa back-to-back games makaraang maghulog ng 51 kontra sa 76ers nitong Lunes.
Dagdag pa rito, tanging sina Lillard at Wilt Chamberlain ang mga manlalarong may tatlong 60-point games sa loob ng isang season.
Sinabi ni Coach Terry Stotts, masyadong naging pokus ang Blazers guard buhat nang pumalya ang dalawang free throws nito na nauwi sa pagkatalo nila sa Clippers noong weekend.
“He’s showing a lot of resolve,” wika ni Stotts. “Nobody wanted to come into this bubble and make the playoffs more than Dame. We have one more game to go, but his leadership and his game speaks for itself. But he’s bringing the team along with him.”
Tuluyang makasusungkit ang Blazers ng puwesto sa play-in series kung magwawagi sila laban sa Brooklyn Nets sa Biyernes.
Nasayang naman ang 36 points ni Kristaps Porzingis, maging ang 25-point, 10-assist performance ni Luka Doncic para sa Mavs, na nakatakdang puwestuhan ang No. 7 seed sa Western Conference.