Nagpaulan nang puntos si Damian Lillard sa second half upang gulatin ng Portland Trail Blazers ang NBA defending champion na Los Angeles Lakers, 115-107.
Kumamada ng 31 points si Lillard kung saan ang 21 puntos ay kanyang ginawa sa second half.
Ito na ang ikalawang talo ng Lakers na sa ngayon ay pareho na sila ng Blazers na may tig-dalawa ring panalo.
Tumulong din kay Lillard si CJ McCollum na may 20 points at 11 points.
Sa kampo ng Lakers nasayang ang ginawa ng superstar na si LeBron James na may 29 points, nine rebounds at six assists.
Minalas pa ang Lakers dahil hindi nakapaglaro ang kanilang point guard na si Alex Caruso bunsod nang ipinatupad na NBA health protocols.
Ang big man naman na si Anthony Davis ay inalat pa na meron lamang 13 points na kagagaling lamang sa pagpapahinga mula sa kanyang bruise calf.