-- Advertisements --
pogo

Lima pang POGO workers na naaresto sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Pasay City ang naghain ng not guilty plea.

Sa isang pahayag, sinabi ni Atty. Gloria Quintos, abogado ng mga akusado, ang lima ay naghain ng not guilty plea para sa kasong may kinalaman sa Republic Act 8799 o Securities Regulation Code na may kaugnayan sa Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012 sa Las Piñas Regional Trial Court Branch 111.

Ito ay sa pamamagitan lamang aniya ng video conference.

Ayon kay Quintos, natapos na ang arraignment sa limang akusado at sa 23 respondents sa kaso.

Ang bilang na ito ay nangangahulugang 28 out of 29  na ang natapos ang arraignment habang ang isa ay patuloy pa ring pinaghahanap.

Kaugnay nito, sisimulan naman ang proceedings ng kaso sa September 27 ng kasalukuyang taon.

Dito ay inaasahang iprenisenta ng prosecution ang aabot sa 82 na mga testigo.