Nagpakawala ang Russia ng isang malaking pag-atake ng missile sa Ukraine na nagwasak sa isang siyam na palapag na apartment block sa lungsod ng Dnipro, at ikinasawi ng hindi bababa sa limang tao at tumama sa mahahalagang energy facilities.
Ayon sa energy minister ng Ukraine, ang mga darating na araw ay mahirap dahil ang mga buwan ng pambobomba ng Russia sa power grid ay nagbabanta sa supply ng kuryente, tubig, at central heating sa kasagsagan ng taglamig.
Inihayag pa ng deputy head ng presidential office ng Ukraine, sa silangan-gitnang lungsod ng Dnipro, 20 katao ang nailigtas mula sa isang apartment block kung saan ang buong bahagi ng gusali ay naging mga durog na bato.
Dagdag dito, limang tao ang namatay at hindi bababa sa 60 katao, kabilang ang 12 bata, ang nasugatan din sa pag-atake na may mas maraming tao pa rin ang nakulong sa ilalim ng naganap na mga pagguho.
Isa pang tao ang namatay at isa ang nasugatan sa paggawa ng bakal na lungsod ng Kryviy Rih kung saan anim na bahay ang nasira sa bayan ni President Volodymyr Zelensky.
Sa kanyang gabi-gabi na talumpati, umapela si Zelensky sa Kanluran na magbigay ng higit pang mga armas upang maiwasan ang karagdagang pagkamatay mula sa kanyang inilarawan bilang “Russian terror”.
Una rito, ang Russia na sumalakay sa Ukraine noong nakaraang buwan ng Pebrero, ay sinisira ang energy infrastracture nito gamit ang mga missiles at drone mula noong Oktubre, na nagdulot ng malawak na blackout at pagkagambala sa central heating at running water ng Ukraine.