![image 206](https://xrc.bomboradyo.com/newscenter/2022/11/image-206.png)
Umakyat na sa lima katao ang patay kabilang na ang isang senior citizen sa nangyaring pagsabog sa Sitio Mahada, Barangay Canlubang, Calamba City sa lalawigan ng Laguna.
Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay PCol. Conrado Masongsong, naganap ang naturang pagsabog sa isang bahay na ginagamit bilang illegal na pagawaan ng paputok.
Dahil dito ay nasa limang kabahayan naman ang natupok ng malaking apoy na sumiklab sa lugar na resulta ng nangyaring insidente.
Sa binigay na datos ni Col. Masongsong sa Bombo Radyo, kabilang sa mga nasawi ay sina:
– Leticia yutan Corral – 83 yrs old
– James Darwin Corral – 22 yrs old
– JM Sanda – 18 yrs old
– Ryan James Contreras – 19 yrs old
– Kenneth Berebo – 24 yrs old
Aniya, mapalad namang nakaligtas ang tatlong indibidwal matapos na agad itong makalabas sa kani-kanilang tahanan.
Samantala, sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin aniya ang imbestigaston ng mga otoridad ukol dito para alamin kung ano at saan nag-ugat ang naturang pangyayari.
Kung maaalala, sa paunang datos ng lokal na pulisya, pasado alas-diyes ng umaga nang mangyari ang nasabing pagsabog sa nasabing lugar.