Nakilala na ang 5 mila sa pitong miyembro ng Communist Terrorist Group na napatay sa naganap na inkwentro noong June 26 sa Brgy. Malbang, Pantabangan, Nueva Ecija
Kinilala ang lima bilang sina Hilario Guiuo alias ‘Berting’, Acting Secretary ng Komiteng Rehiyong Gitnang Luzon.
Siya rin ang nagsisilbi bilang Commander, Regional Operational Command.
Pangalawa ay si Harold Sarenas Meñosa alias ‘Luzon’, Commander, Pltn Silangan Gitnang Luzon.
Pangatlo ay si Pepito Trinidad Bautista alias ‘Dylan’ Team Leader, Sqd Tersera, Pltn Silangan Gitnang Luzon
Ang dalawang iba pa ay kinilalang sina Reynan Mendoza alias ‘Mel’, at Archie Anceta alias ‘Joel’.
Ang dalawang napatay ay patuloy pa ring kinikilala at inaalam ang pagkakakilanlan sa pamamagitan ng mga dating rebelde o dati nilang mga kasamahan.
Maalalang nangyari ang inkwentro sa pagitan ng mga sundalo ng 84th Infantry (Victorious) Battalion, Philippine Army at mga miyembro ng Komiteng Rehiyong Gitnang Luzon kung saan maliban sa pitong napatay ay nakarekober din ang mga sundalo ng sampung matataas na kalibre ng baril.
Samantala, kasabay ng nagpapatuloy na pursuit at clearing operation na isinagawa ng trop ng 84th IB, nakatunton pa ang mga ito ng tatlong karagdagang namatay malapit din sa lugar.
Ang mga ito ay pawang mga babae. Nakuha rin ang apat na mga baril.
Ang mga ito ay natunton sa nagsilbing exit route ng mga rebelde kasunod ng nangyaring inkwentro.
Agad namang dinala ang mga ito sa funeral homes sa Pantabangan, Nueva Ecija.