Iniulat ng Bureau of Immigration ang matagumpay nitong pagkakaharang sa apat na Amerikano at isang Briton na mga sex offenders upang mapigilan itong makapasok ng bansa.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco ,apat sa mga pedophile ang naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) habang ang isa ay sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA).
Inihayag ni Tansingco na ang mga pasahero ay pawang mga registered sex offenders (RSO) dahil mayroon silang mga rekord ng conviction para sa sex offenses sa kanilang sariling bansa.
Muli niyang iginiit na ang Philippine immigration act ay nagbibigay ng tahasang pagbubukod sa mga dayuhan na nahatulan ng mga krimen na may kinalaman sa moral turpitude, at idinagdag na inilunsad nila ang kanilang Project #Shieldkids Campaign upang agresibong hanapin, arestuhin, at i-deport ang mga dayuhang nagkasala sa kasarian na maaaring nasa bansa.
Kung maaalala, naharang noong Mayo 21 sa NAIA Terminal 1 si Alexander Balay, 33 anyos, na dumating sakay ng flight mula Tokyo. Siya ay nahatulan ng pagmamay-ari at layunin na ipamahagi ang pornograpiya ng bata ng isang korte sa Alabama.
Sunod dito ay ang 54-anyos na si Vincent John Cherer, isang British national,na naharang sa NAIA terminal 1 matapos dumating sa pamamagitan ng flight mula Chengdu, China. Dati siyang hinatulan ng child sexual abuse sa United Kingdom at iilan pang mga illegal alien sa na nagtangkang pumasok sa bansa.