CENTRAL MINDANAO-Matagumpay na naisagawa ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ang limang araw na first aid at basic life support training sa probinsya ng Cotabato.
Sa pagtatapos ng pagsasanay labis ang pasasalamat ni Marnel Siawan, isang porter at tour guide mula sa bayan ng Arakan, Cotabato sa pagbibigay sa kanila ng pamahalaang panlalawigan ng pagkakataon na makasali sa kahalintulad na pagsasanay.
Ang pagsasanay ay nilahukan ng abot sa 35 na mga partisipante na kinabibilangan ng porters and tour guides, at responders mula sa lalawigan at mga munisipyo.
Sa kanyang mensahe bilang kinatawan ni Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza nagpaabot naman ng kanyang pagbati si Board Member Ryl John Caoagdan sa mga nagtapos sa training at umaasang ang mga natutunan ng mga ito ay kanila ring maibabahagi sa kanilang mga kapwa responders, porters at tour guides bilang bahagi ng paghahanda ng lalawigan kontra sakuna at kalamidad.
Ang 5-day basic first aid at basic life support training ay ginanap sa Brgy. Mua-an, Kidapawan City sa pakikipagtulungan ng Medic Central Training Center İnc.sa pangunguna ni Dandy Luv C. Flores.