-- Advertisements --
Binuksan na para sa mga babaeng referees ang Asian Football Confederation (AFC) sa kaunang una-unahang pagkakataon para sa darating na Asian Cup sa Qatar.
Sinimulan na ng limang professional women referees ang pag-eensayo, bilang paghahanada sa opening match bukas.
Kabilang sa mga magiging referees sa Asian Cup sina Kate Jacewicz mula Australia, at Yoshimi Yamashita ng Japan na naging referees din noong 2022 World Cup.
Unang maipapamalas ng limang kababaihan ang kanilang referee skills sa opening match sa pagitan ng host country na Qatar laban sa Lebanon.
Gaganapin ang Asian Cup mula Enero 12 hanggang Pebrero 10.