VIGAN CITY – Limang kandito para konsehal sa Pilar, Abra ang sabay sabay na nagwithdraw ng kanilang certificate of candidacy 32 araw bago ang halalan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Election Officer Rodrigo Basa II, personal na nagtungo sa kanilang tanggapan sina Leilanie Disono, Tresita Doral, Rogelio Ciervo, Timoteo Dasalla at Macario Guzman sa ilalim ng Kilusang Bagong Lipunan at nasa ilalim ng partido ng incumbent Mayor Maro Somera at kapatid na si Vice Mayor Jaja Josefina Disono.
Aniya, wala umanong nakalagay na pahayag o rason kung bakit umatras sa kanilang kandidatura ang tatakbo sanang sangguniang bayan ng Pilar.
Dagdag pa ni Basa, bago ang withdrawal ng mga kandito kalat na umano sa social media ang kanilang pagtungo sa kanilang tanggapan upang tuluyang ipasawalang bisa ang kanilang kandidatura.
Sa ngayon tatlong kandidato nalang mula sa kampong ng administrayon ang natitira na sina Mario Banez, George Sotelo at Cresencia Ferido.
Kung maaalala noong mga nakaraang linggo namatay ang security aide ni Vice Mayor Jaja Disono matapos ang nangyaring barilan sa pagitan ng PNP at security aide ng opisyal at sinundan ng pagkamatay ng isang barangay kagawad sa Brgy. Bolbolo sa nasabing bayan.