-- Advertisements --

Makararanas nang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan ang limang lalawigan sa Luzon simula sa Linggo hanggang Martes. 

Ayon sa 5:00 p.m weather advisory ng state weather bureau, ang pag-ulan ay dulot ng shear line o convergence ng malamig at mainit na hangin. 

Katamtaman hanggang malakas na pag-ulan ang inaasahan sa Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, at Albay mula Linggo ng hapon hanggang Martes ng hapon.

Nagbabala ang ahensya na ang pag-ulan ay maaaring magdulot ng localized na pagbaha.