Kinumpirma ng National Bureau of Investigation na naaresto na nila ang limang individual na sangkot umano sa hacking incident particular na sa pagbebenta ng mga data ng publiko.
Ayon sa ahensya, sa kabilang mga nasakote ay dalawang foreign national.
Kinilala Naman ang tatlong Pilipino na umano’y kasabwat nito na sina Eden Glenn Petilo, Carlo Reyna, John Kenneth Macarampat, Leonel Obina, at isa pang indibidwal di pa napapangalan.
Paliwanag ang ahensya, hinack ng mga ito ang website ng COMELEC maging ng isang cable company.
Sila aniya at tinatawag na Blood Security Hackers na isang cybercrime group .
Batay sa investigation, ang mga datos ng mga subscriber at registered name ay umano’y ninanakaw ng mga ito saka ibinibenta.
Iginiit Naman ni NBI Director Jaime Santiago, na ang hakbang na ito ay bahagi lamang ng kanilang pagtalima sa utos ni PBBM na sugpuin ang online crimes.