Nakulong ang limang magkakaibigang overseas Filipino Workers sa bansang United Arab Emirates(UAE) matapos silang ireklamo dahil sa pinost na video sa social media.
Batay sa report, nagkatuwaan lang daw ang magkakaibigan noong March 12, 2023 kayat nag post ito ng isang video sa Tiktok.
Ang biruan na ito ang naging dahilan ng kanilang pagkakakulong ng may mareklamo sa kanilang ginawang video.
Humingi umano ang kapatid ng isa sa mga OFW na hinuli ng mga awtoridad ng tulong sa embahada ng Pilipinas.
Napagkamalan umanong mga prostitute ang limang OFW dahil sa video na kanilang ginawa.
Nakatakda namang makipag usap ang Philippine Embassy at Labor Attache sa UAE sa employer ng limang OFW gumawa na rin ang mga ito na kaukulang hakbang upang madalaw ang mga ito sa bilangguan.
Nangako naman ang pamunuan ng Department of Foreign Affairs na tutukan nila ang naturang kaso.