-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagpositibo sa COVID-19 ang limang pari sa Archdiocese of Jaro.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Father Angelo Colada, Director sang Archdiocesan Commission on Social Communications ng Archdiocese of Jaro, sinabi nito na lima ang active cases ngayon.

Sa limang nagpositibo, dalawa ang nagretiro, isa ang nakatalaga sa Bingawan, Iloilo at dalawa naman ang nakatalaga sa Sara, Iloilo.

Ang dalawa anya ay nasa ospital at tatlo ay nasa hotel at naka quarantine.

Ayon kay Colada, patuloy pa na inaaalam kung paano nahawaan ng COVID-19 ang nasabing mga pari.

Napag-alaman na nabakunahan na ng COVID-19 vaccine ang mga pari sa Archidiocese of Jaro.

Sa tala ng Archdiocese of Jaro, mayroong 190 na mga pari sa Iloilo.

Inamin rin ni Colada na hindi maiiwasan na may pagtitipon sila sa Archdiocese of Jaro na isa sa mga posibleng dahilan ng pagpositibo sa COVID-19 ng nasabing mga pari.