Limang Pinay ang pasok sa listahan ng Forbes’ 50 over 50: Asia 2024 ng Forbes Magazine.
Kabilang sa listahan ang internationally recognized actress na si Dolly de Leon.
Nasa listahan din ang mga business tycoons, tulad nina Susan Co na co-founder ng isang sikat na grocery, at Anna Maria Margarita Dy na predidente at chief executive officer ng kilalang mall at corporasyon sa bansa.
Pasok din sa top 50 si Miriam Coronel-Ferrer na propesor sa at peace negotiator sa Unibersidad ng Pilipinas.
Pumepwesto rin si Esther Go, na president at chief executive officer ng isang health tech firm, at direktor ng ilang mga bangko sa Pilipinas.
14 na bansa sa Asya ang kabilang sa Forbes’ 50 over 50, na nagbibigay ng pagkilala sa mga kababaihan na may makabuluhang ambag at impluwensya sa mga industriyang pangpinansyal, pangkalusugan, fashion, at iba pa.