-- Advertisements --
npa

Tuluyan nang nagbalik loob sa pamahalaan ang limang rebelde mula sa Central Luzon.

Ang mga ito ay nagmula sa probinsya ng Bulacan, Olongapo, Nueva Ecija, at Aurora.

Ang panglima ay affiliated di umano sa Gabriela, Anakpawis at Alyansa ng mga magbubukid sa Gitnang Luzon sa Licab, Nueva Ecija.

Kasabay ng kanilang pagsuko, itinurn over din nito ang ilang baril, bala at mga matataas na uri ng pampasabog.

Naniniwala naman ang mga awtoridad na ang ganitong ipinakitang askyon ay nangangahulugan na pilinili nila ang tunay na kapayapaan at makatutulong sila upang maibalik ang paggaling ng ating hating lipunan.