CAUAYAN CITY – Inamin ng Department of Labor and Employment (DOLE) na limitado ang kanilang kakayahan na matukoy ang mga illegal foreign workers sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na sa buong Pilipinas ay may humigit-kumulang 90,000 na negosyo at kompanya kompara sa kanilang inspector na wala pang 1,000.
Ayon kay Bello, dahil dito ay nangangailangan sila ng karagdagang 5,000 inspector upang matukoy ang mga illegal foreign workers at para matulungan ang mga inaabusong manggagawang Pilipino.
Inihayag pa ni Bello na idinulog na niya ito kay Finance Secrteary Carlos Dominguez III na kanya namang tinugunan.
Sa susunod na dalawang linggo aniya ay madadagdagan na ng 500 inspectors ang tanggapan ng DOLE.