-- Advertisements --
Hindi na lilimitahan ng Saudi Arabia ang bilang ng mga pilgrims na magtutungo sa hajj ngayong taon.
Ayon kay Minister of Hajj and Umrah Tawfiq al-Rabiah na balik normal na ang nasabing bilang noong bago ang COVID-19 pandemic.
Ang nasabing pilgrimage na isa sa tradisyon ng Islam ay isasagawa sa buwanng Hunyo.
Noong 2019 ay nasa 2.5 milyon katao ang nagtungo sa rituals at sa loob ng dalawang taon ay nabawasan ito dahi sa pandemiya.
Noong 2022 ay naging 900,000 pilgrims kung saan 780,000 ay mula sa ibang bansa.
Ipinatupad din sa nasabing panahon ng pandemiya na dapat ang mga pilgrims ay hindi lalagpas ng edad 65 at mahalaga na ipakita nila ang kanilang COVID-19 vaccination card ganun din ang negative RTPCR results.