-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nilinaw ng Department of Education (DepEd) Bicol na tuloy pa rin ang limited face-to-face classes sa rehiyon sa gitna ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa kabila rin ito ng naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin muna ang face-to-face classes sa mga lugar na may mataas na kaso ng nakakahawang sakit.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Mayflor Jumamil ang tagapagsalita ng DepEd Bicol, batas sa kanilang monitoring, wala pa namang naitatang kaso ng COVID-19 sa mga lugar kung saan isinasagawa ngayon ang in-person classes.

Wala rin aniya sa mga guro maging sa mga estudyante ang tinamaan ng nakakahawang sakit kung kaya’t masasabing epektibo ang ginagawang hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng sakit sa mga paaralan.

Tiniyak din ni Jumamil na mahigpit na nakamonitor at agad na sususpendihin ang face-to-face classes kung sakaling may maitalang kaso ng COVID-19.