-- Advertisements --

Ipinagtanggol ng Malacañang ang desisyon ng gobyerno na payagan na ang limitadong face-to-face classes para sa mga estudiyante ang medicine at allied scriences lalo na sa mga low risk areas sa COVID-19 transmission.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang pagbabalik ng limited in-person classes at training sa mga nasabing fields ay pakikinabangan ng healthcare system ng bansa sa hinaharap.

Ayon kay Sec. Roque, kapag hindi ito natuloy, baka darating ang panahong wala ng magiging graduates ng medisina lalo sa panahon ng pandemic na kinakailangan ng maraming doktor.

Kinumpirma ni Sec. Roque na inaprubahan na ng Office of the President ang rekomendasyon ng Commission on Higher Education (CHED) na payagan ang limited face-to-face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified GCQ.