Tatalima ang Kamara sa naging ruling ng Korte Suprema na nagdidekalrang unconstitutional ang pork barrel.
Sinabi ni House Majority Leader Martin Romualdez matapos na tanggapin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang National Expenditure Program (NEP) para sa Fiscal Year 2020, “thing of the past” na ang pork barrel system.
Kaya naman mahigpit aniya nilang ipapatupad ang line item budgeting sa P4.1-trillion proposed national budget upang matiyak ang transparency at accountability sa disbursement ng public funds.
Lahat aniya ng mga disbursements ay titiyakin nilang sang-ayon sa itinatakda ng NEP kung saan nakasaad ang mga programang popondohan.
“The House leadership under Speaker Cayetano is committed to pass a constitutionally compliant national budget for year 2020,” ani Romualdez.