-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Naghihinagpis ngayon ang pamilya ni John Dave Manlangit, 25-anyos, lineman ng Agusan del Sur Electric Cooperative o ASELCO matapos itong makuryente-patay habang ginagawa ang kanyang maintenance work sa bayan ng Bunawan kahapon ng alas-11:00 ng umaga.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dini-detach umano ng biktima ang service transformer ng Bunawan Public Market, upang papalitan at dito na ito nakuryente.

Dali itong dinala sa ospital ngunit idineklara dead on arrival ng attending physician.