-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay ang isang lineman ng Cotelco PPalma nang makuryente sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Iran Salinas Gucon, may asawa at residente ng Barangay Simuay Sultan Kudarat Maguindanao.

Ayon sa ulat ng Midsayap PNP na inaayos umano ng biktima ang transformer sa poste ng kuryente sa Brgy Bual Sur Midsayap North Cotabato nang aksidente itong makuryente.

Agad dinala ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na ito umaabot ng buhay.

Nilinaw naman ni Cotelco PPalma General Manager Engr Felix Canja na si Gucon ay lineman ng isang sub-contractor electrical service provider na nag-aayos ng mga linya ng kuryente at transformer ng kooperatiba.

Nangako ang Cotelco PPalma at ang company ng Electrical Provider kung saan nagtratrabaho ang biktima na magbibigay ito ng tulong sa pamilya ng lineman.

Wala namang nakitang foul play ang Midsayap PNP sa kanilang imbestigasyon sa pagkasawi ng biktima.