-- Advertisements --

LAOAG CITY – Positibo sa drug test si Mr. Ferdinand John Dagupion, 22-anyos, lineman ng PLDT Company at residente sa Barangay Garreta sa bayan ng Badoc.

Ito ang kinumpirma ni Police Senior Master Sergeant Marcelino Corpuz Jr., ang team leader ng Provincial Drug Enforecement Unit (PDEU) dito sa lalawigan.

Una rito, nahuli si Dagupion sa isinagawang drug buy-bust operation sa Barangay 50, Buttong dito sa lungsod ng Laoag noong gabi ng Lunes, Pebrero 7, 2022.

Nakumpiska ng mga otoridad mula kay Dagupion ang dalwang maliliit na pakete ng marijuana, isnag ziplock na naglalaman ng pinatuyong marijuana, isang kalibre 45 na baril at isang bala nito, 2,000 pesos na personal na pera at cellphone na.

Samantala, naisampa na rin ang kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act (RA)