-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Pinaplano ngayon ng Department of Transportation (DoTr) ang pag develop sa Lingayen airport para sa commercial operations.

Sa pagbisita sa lalawigan ng Pangasinan, inihayag ni DOTr Secretary Arthur Tugade na sa halip na gamitin lamang ang nasabing airport ng flying school, ay nakatakda silang lagyan ito ng commercial orientation upang umusbong ang trabaho, turismo at maging ang investment sa lalawigan.

Ayon pa kay Tugade, parte ng pag upgrade sa Lingayen airport ang expansion o pagpapalawak ng runway nito kung saan mula sa 1.17 kilometer runway ay magiging 1.63 kilometers na ito para makapag-accommodate ng commercial flights.

Tiniyak din nito na may sapat na alokasyon ng inisyal na budget para sa expansion ng airport.

Samantala, sinabi naman ni Pangasinan Governor Amado I. Espino III na mas mabilis at madali nang makakapunta dito sa probinsiya ang mga international at lokal na turista kung matuloy man ang pag develop sa Lingayen airport.