-- Advertisements --

Mula sa 224 sa Sabado de Gloria kahapon, bahagyang bumaba sa 195 ngayong araw ng Linggo ang bagong dagdag na kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.

Sa tala ng Department of Health (DOH), umakyat na sa kabuuang 3,683,042 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas kung saan 72 sa mga bagong kaso ang mula sa Metro Manila.

Sa ilalim ng lingguhang “Oplan Recovery,” inulat ng DOH na 3,602,035 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling mula sa COVID.

Nasa 59,969 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos madagdagan ngayong araw ng lima.