Patuloy umano sa pagtaas ang bilang ng bagong Covid-19 cases sa Metro Manila.
ito ay makaraang iulat ng Department of Health ang umaabot sa 1,600 na bagong infections nitong nakalipas na araw na mas mataas noong kasagsagan ng peak noong August 7.
Tinukoy pa ng independent OCTA Research Group sa kanilang latest monitoring na ang one-week Covid-19 growth rate sa Metro Manila ay tumaas din ng 25 percent na halos madoble ang one-week growth rate na 13 percent noong Sept. 18.
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guid ang reproduction number sa NCR na siyang average number ng secondary infections mula sa isang infected individual ay tumaas din mula 1.21 noong Sept. 15, hanggang 1.30 noong Sept. 22.
Binigyang diin pa ng eksperto na nalampasan na ngayon ang seven-day positivity rate
Sa kabila nito ang healthcare utilization para sa Covid cases sa Metro Manila ay nananatili din naman sa “low” o nasa 36 percent.