Narito ang lingguhang presyo sa kada litro ng produktong petrolyo sa buong buwan ng Disyembre 2021 mula sa mga kumpanya ng Unioil, Phoenix, at Petron.
Noong Nobyembre 30 hanggang Disyembre 6 ay nagkaroon ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo.
Pumatak sa P0.60 ang presyo ng kada litro ng diesel, habang nasa P1.10 naman ang ibinaba sa singil sa kada litro ng gasolina, at nasa P0.50 naman ang naging rollback sa kada litro ng kerosene.
Noong Disyembre 1 naman ay nagkaroon din ng nasa P4.75 na bawas presyo sa kada kilo ng LPG habang nasa P2.66 naman ang naging tapyas sa singil sa kada litro ng AutoLPG ang kumpanya ng Petron Corporation.
Nasa P2.65 naman ang ibinaba sa presyo ng kada litro ng diesel, habang nasa P2.40 naman ang naging rollback sa halaga ng kada litro ng gasolina, at nasa P2.70 naman ang naging dagdag sa singil sa kada litro ng kerosene mula Disyembre 6 hanggang Disyembre 13.
Bigtime Oil Price Hike naman ang bumungad sa mga motorista mula Disyembre 14 hanggang Disyembre 27 nang magkaroon ng dagdag presyo sa kada litro ng diesel at gasolina.
Mula Disyembre 14 hanggang Disyembre 20 kasi ay pumalo hanggang P1.35 ang naging dagdag sa singil sa kada litro ng diesel, habang nasa P1.60 naman ang itinaas ng presyo sa kada litro ng gasolina, ngunit bumaba naman sa P1.20 ang singil sa kada litro ng kerosene.
Noong Disyembre 21 hanggang Disyembre 27 ay nasa P0.55 ang naging patong sa kada litro ng diesel at gasolina habang mas bumaba pa ang singil sa kada litro ng kerosene na pumatak naman sa P0.70.
Dagdag-bawas naman ang naranasan ng mga motorista mula Disyembre 28 hanggang Enero 3.
Pumatak sa P0.60 ang presyo sa kada litro ng diesel habang nasa P0.20 naman ang ibinaba sa singil sa kada litro ng gasolina.
Habang bahagya namang tumaas ang presyo sa kada litro ng kerosene na nagkakahalaga sa P0.85.
Ang nagiging paggalaw sa presyo ng kada litro ng produktong petrolyo ay sumasa
Samantala, batay naman sa Year-to-date adjustments para sa taong 2021 ay naitala na nasa P17.65 ang naging total net increase sa kada litro ng gasolina at nasa P14.30 ang naitala sa kada litro ng diesel.