-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Kasabay ng pagdiriwang ng Mother’s Day ay inilunsad ng Mallig Police Station ang programang Lingkod Bayanihan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCaptain Joel Bumanglag, hepe ng Mallig Police station sinabi niya na mapalad si nanay Licina Duenas dahil siya ang napili nilang benepisyaryo ng kanilang libreng pabahay sa ilalim ng kanilang programang lingkod bayanihan.

Aniya, nagtulong tulong ang ibat-ibang personnel, organisasyon katuwang ang mga kasapi ng Mallig Police Station sa pagpapatayo ng bahay ni lola Duenas.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Nanay Licina Duenas inihayag niya ang labis niyang pasasalamat sa mga tumulong sa kanya para mapatayuan siya ng maayos na bahay.

Si nanay Duenas ay anim na taon ng naninirahan sa kaniyang ginagawang kubo matapos na mabalo o maulila ng kaniyang asawa.

Samantala, maliban sa libreng pabahay ay abala ang Mallig police station sa paglulunsad ng knailang best practices kabilang ang pamamahagi ng family food packs, adopt a family program at project chicken.

Ayon kay Captain Bumanglag, sa kasalukuyan ay maganda ang nagiging resulta ng pagpapatupad nila ng mga best practices ng kanilang himpilan pangunahin ang kanilang anti-criminality campaign kaya hanggang ngayon ay mababa ang naitatalang krimen sa kanilang nasasakupan.