Ikinatuwa ng fans ng rap-rock band na Linkin Park ang kanilang pagbabalik sa eksena matapos ang pitong.
Ipinakilala ang banda ang kanilang mga bagong bokalista na si Emily Armstrong mula sa bandang Dead Sara at ang bagong drummer na si Colin Brittain na pumalit kay Rob Bourdon.
Si Brittain ay kilala sa mga paggawa ng mga kanta at isa ring producer ay makakasama ang orihinal na miyembro na sina rapper Mike Shinoda, guitarist Brad Delson, DJ Joe Hahn, at bassist Phoenix.
Magugunitang noong 2017 ay tumigil ang banda matapos ang pagkasawi ng kanilang bokalista na si Chester Bennington.
Sa social media account ng banda ay inanunsiyo rin nila ang mga bagong kanta at ang nakatakdang mga shows.
Ilalabas din nila ang bagong album na “From Zero” sa darating na Nobyembre 15 kung saan mayroong itong 11 na kanta kabilang ang lead single na “The Emptiness Machine”.