Nagtala ng record sa kasaysayan ng Major League Soccer (MLS) si Lionel Messi at ang koponan nito na Inter Miami.
Ito ay matapos na talunin nila ang New England Revolutions 6-2 sa huling araw ng regular season.
Nakabawi kasi agad ang Miami ng makuha ng New England ang kalamangan ng dalawang puntos.
Pagpasok ng second half ay ipinasok si Messi at doon ay mabilis ang ginawang hat-trick at naipasok nito ang goals sa 78th at 89th minute.
Itinuturing na ang 37-anyos na football star ang all-time leading goal scoreer sa kasaysayan ng club.
Nalampasan ni Messi na mayroong 33 goals ang teammate nito na si Leonardo Campana na mayroong kabuuang 32 points.
Dahil rin sa panalo ay siyang pang 22 sa season ay nagtulak sa kabuuang points ng Miami ng 74.
Binasag nila ang MLS record na 73 na hawak ng Revolutions noong 2021.
Itinuturing ni Miami head coach Gerardo Martino na ang panalo at record ay isang magandang paraan para lalo pa nilang galingan ang paglalaro.