-- Advertisements --

Sa ikatlong sunod na taon at ikaanim na beses sa kabuuan, naibulsa ni Argentinian superstar Lionel Messi ang European Golden Shoe award.

Napanatili ng Barcelona star sa kanyang kamay ang parangal makaraang tapusin nito ang kanyang kampanya sa La Liga na may 36 goals.

Lamang ito ng tatlo sa naitala naman ng second placer na si Kylian Mbappe, na umiskor ng isa sa 3-1 loss ng PSG sa Reims nitong Biyernes.

Inokupahan naman ni Sampdoria forward Fabio Quagliarella ang ikatlong puwesto sa ranking na may 6 Serie A strikes.

Ibinabatay ang ranking ng Golden Shoe table sa puntos at hindi sa bilang ng goals.