Nagwagi sa Ballon d’Or award para sa best football player sa buong mundo si Argentina player Lionel Messi.
Ito na ang pang-pitong beses na nakuha ni Messi ang nasabing prestihiyosong award.
Tinalo nito ngayong taon sina Robert Lewandowski at Jorginho.
Unang nakuha ni Messi ang award noong taong 2009, 2010, 2011, 2012, 2015 at 2019.
Mayroong 613 points ang nakuha ni Messi na manlalaro ng Paris St. Germain habang ang Bayern Munich player na si Lewandowski ay napiling best striker.
Kinilala naman bilang club of the year ang Chelsea at ang women Ballon d’Or ay napunta kay Alexia Putellas ng Spain.
Umani pa ng kritisismo ang seremonyas dahil isinabay ito sa women’s international break.
Ang record-breaking seventh Ballon d’Or title ni Messi ay mas marami ng dalawa kumpara kay Cristiano Ronaldo.
Samantala kung pagbabasehan naman sa kanyang club ngayong taon ay medyo minalas ang team ni Messi pero naging malaki ang kanyang papel pagdating naman sa national team na Argentina nang magkampeon sa Copa América.
Naging top scorer din siya liga sa Spain nang maka-score siya ng two goals nang magwagi ang Barca sa Copa del Rey.
Bago siya umaliS patungo sa bago niyang team na Paris Saint-Germain noong summer, ang Barcelona ay nagtapos lamang na pangatlo sa La Liga hanggang sa ma-knock out sa Champions League sa first round pa lamang.