-- Advertisements --

Nagtala ng kasasayan si football star Lionel Messi.

Sa loob ng apat na minuto ay nakapagtala ito ng dalawang goal sa panalo ng kaniyang koponan na Miami 3-1 laban sa Philadelphia Union.

Ito ang unang paglalaro niya sa inter Miami matapos ang mahigit tatlong buwan dahil sa injury.

Siya lamang ang manlalaro na mabilis na nakapagtala ng 15 goals at 15 assists sa loob ng 19 games.

Mula kasi noong Hulyo 14 ay hindi nakapaglaro si Messi matapos na magtamo ng injury habang naglalaro sa Argentina noong Copa America Finals.