-- Advertisements --
Pumalit sai dating IBF world light welterweight champion Sergey Lipinets kay Adrien Broner para labanan si Omar Figueroa Jr para sa kanilang WBC 140 lb title eliminator.
Umatras kasi ang dating four-division world champion na si Broner dahil sa kaniyang mental health issues.
Gaganapin ang laban ni Lipinets kay Figuerora sa darating na Agosto 21 sa Seminole Hard Rock Hotel and Casino sa Florida, USA.
Si Figueroa ay mayroong record na 28 panalo, dalawang talo, isang draw na may 19 knockouts habang si Lipinets ay mayroong 16 panlao, dalawang talo at isang draw na mayroong 12 KO.
Huling lumaban si Lipinets ay noong 2019 ng mapatumba niya sa ikalawang round si Filipino boxer Jay Ar Inson.