Malaki umano ang maitutulong ng Liquefied Natural Gas mula sa Japan upang magtuloy-tuloy ang operasyon ng mga existing powerplant sa bansa na gumagamit ng naturang uri ng Gas.
Ayon kay Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero ng Department of Energy, aminado ito na apektado ng Geopolitical conflict sa pagitan ng Ukraine at Russia ang presyo at Supply ng Liquefied Natural Gas sa buong mundo.
Pero dahil aniya sa commitment ng nasabing kumpanya mula sa bansang Japan ay makaaasa ang Pilipinas na may makukuha at magagamit na Liquefied Natural Gas sa kabila ng maliit na volume na kailangan ng ating bansa.
Patuloy na rin kasi ang pagbaba ng produksyon ng malampaya gas filled na karaniwang ginagamit ng mga powerplant na pinapatakbo ng naturang uri ng gas.
Ito rin ay nagsusuply ng mahigit 3400 megawatts ng power sa Luzon Grid.
Sinabi pa ni Romero na ang natural gas ay kinokonsidera na malinis na fossil fuel at ito ay ipino-promote nila sa iba’t-ibang industries at mangyayari lamang ito kung stable ang supply ng LNG sa bansa.
Samantala, sa ngayon aniya ay wala pang natutuklasan na bagong gas filled sa Pilipinas kayat ang pag-aangakat ng Liquefied Natural Gas ang pinaka mabilis na solusyon upang magpatuloy ang operasyon ng mga powerplant sa Pilipinas
Batay sa kasalukuyang energy plan ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy para sa taong 2020 hanggang 2024, ang bansa ay mangangailangan ng karagdagang supply ng natural gas na aabot sa 20,000 megawatts.
Paglalahad din ni Romero na sa ngayon ay wala pang terminal ng Liquefied Natural Gas na tumatakbo at nag ooperate pero mayroon aniyang tatlo na nagpapatuloy na konstruksyon na matatagpuan sa Batangas at Quezon.
Ito ay inaasahang tatakbo at mag ooperate sa unang semestre ng taong ito.