Nagbabala ang Philippine National Police- Drug Enforcement Agency (PDEG) sa publiko hinggil sa bagong diskubre nilang uri ng shabu na pinapakalat umano ngayon dito sa Metro Manila ng Chinese syndicates.
Ayon kay PBGen. Eleazar Matta, Chief ng PDEG, ang liquid shabu na ito ay ginagamit para mas maitago ang imahe ng tradisyunal na droga dahil sa unang tingin aniya ay mukha lang itong ordinaryong tubig.
Pero napag-alaman nilang pupuwede na raw itong e proseso kahit nasa loob lang ng maliit na kwarto, hahaluin at saka na umano iki-cryztalize bago gamitin.
Sinabi pa ni Matta, na nakakabahala ito dahil mas mura ang presyo at mas mababa ang tama ng liquid shabu na ito kung ikukumpara sa tradisyunal na droga.
Kaya naman nananawagan ang PNP-DEG sa mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak lalo pa’t inilalako na umano ngayon itong naturang uri ng shabu online.