-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Ipapatupad na ang mahigpit na liquor ban at “no sailing no fishing policy sa apat na coastal towns ng Isabela alinsunod na rin sa naging kautusan ni Governor Rodito Albano sa isinagawang emergency meeting sa mga Alkalde matapos na maisama ang Isabela sa signal number 1 dahil sa bagyong Falcon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan,inihayag ni G. Romeo Santos, Media Consultant ng ng Isabela na maliban sa liquor ban, no sailing and no fishing policy ay ipinaalala rin sa mga alkalde, mga hepe ng pulisya at mga City at Municipal Disaster Risk Reduction Management Officers ang kanilang resposibilidad.

Nais rin umano ni Governor Albano na makuha ng Publiko ang linya ng telepono ng PDRRMC na 09158193987 para sa Globe at 09215852341 para sa Smart at landlide na 323-0416.

Tiniyak naman ni Ginoong Santos na nakahandang tumugon ang mga kasapi ng Rescue 831 ng provincial government kung sakaling kakailanganin ang augmentation ng ibang tanggapan ng Municipal at city Disaster Risk Reduction Management Offices.