-- Advertisements --
Nagpatupad na ng liquor ban ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa gitna ng krisis na dulot ng coronavirus disease (COVID-19).
Sa ilalim ng inilabas na Executive Order 24 ni Mayor Joy Belmonte, simula noong March 26 hanggang sa pagtatapos ng enhanced community quarantine ng Luzon sa April 12 ay bawal ang pagbili o pagbenta ng alak sa loob ng siyudad.
Ipinagbabawal din muna ng QC government ang pag-inom sa mga pampublikong lugar sa pagitan ng nasabing petsa.
Sa kasalukuyan, may 97 kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Ang siyam sa kanila namatay, habang 14 ang gumaling na.
Ilang kalsada na sa lungsod ang na-decontaminate matapos mag-desisyon ang Quezon City Fire District na magkaroon ng simultaneous operation sa iba’t-ibang lugar.