-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Magsasagawa ng inventory ang pamunuan ng Public Order and Safety Division (POSD) at Business Permit and Lisencing Office (BPLO) sa mga ibinebentang alak sa mga malalaking groserya may kaungayan sa ipinapatupad na Liquor ban sa Cauayan City.

Batay sa inilabas ng Executive Order ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela, nakasaad na mahigpit na ipinagbabawal ang pagbili at pagbebenta ng alak na tatagal hanggang April 15, 2021 habang sumasailalim sa GCQ bubble set up ang lalawigan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin , sinabi niya na isa sa kanilang babantayan kasama ang BPLO sa pangunguna ni Atty. Sherwin De Luna ang pagpapatupad ng liqour ban.

Aniya mag-iikot sila upang magsagawa ng inventory o paglilista sa mga itinitindang alak sa mga groserya sa lunsod.

Mag-iikot rin sila sa mga barangay upang matiyak na lahat ay sumusunod sa mga ipinapatupad na guidelines, hindi rin sila mag dadalawang isip na sampahan ng kaso ang sinumang lalabag sa liqour ban.

Hinikayat pa ni POSD chief Mallillin ang mga opisyal ng barangay na mas maging maigting sa pag-momonitor sa kanilang barangay upang makaiwas sa COVID 19.

Nakikipag uignayan narin ang POSD sa bawat opisyal ng barangay pangunahin ang mga punong barangay na mahigpit na imonitor ang pagpapatupad ng liqour ban at ang sinumang opisyal ng barangay na hindi tatalima sa kanilang tungkulin ay ipaparating sa tanggapan ng DILG.

Kinakailangan ring sumunod ng mga mamamayan sa mga ipinapatupad na panuntunan lalo na at patuloy pa rin ang pagkalat ng COVID 19 virus.

Pansamanatalang gagawing detention area ang FL Dy coliseum para sa mga mahuhuling lalabag sa ipinapatupad na curfew hour.