-- Advertisements --

DAVAO CITY – Tahasang sinabi ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na hindi na ipapatupad ang 2-hour liquor ban sa September 21.

Ito ay matapos konsultahin ng alkalde ang mga health expert.

Aniya, kahit mawawala na ang liquor ban ay magkakaroon pa rin ng limitasyon sa pag-inom ng mga alcoholic beverages kung saan hindi saklaw dito ang mga beer houses, clubs at mga bar.

Ayon sa alkalde, ipaiiral pa rin ang pagpapatupad ng city ordinance na nagbabawal sa pagserve at pag-inom ng mga nakakalasing mula ala una ng madaling araw hanggang sa alas otso ng umaga.

Kaugnay nito ay magpapalabas ng opisyal na kautusan ang mayor sa susunod na mga araw.