-- Advertisements --
Inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno na simula Lunes, Hunyo 8, ay maaari na ulit bumili ng alak ang mamamayan sa Lungsod ng Maynila.
Alinsunod umano ito sa utos ng national government na luwagan ang ilang ipinatupad na patakaran matapos isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang buong National Capital Region para labanan ang coronavirus disease.
Batay sa Executive Oder No. 26, ipagbabawal pa rin ang pagbebenta ng alak sa mga menor-de-edad maging ang pag-inom sa pampublikong lugar.
Ipinatupad noong Marso 28 ang liquor ban sa Maynila para maiwasan ang mass gatherings dahil sa banta ng COVID-19.